Saturday, June 28, 2014

Bandido, lagas sa sagupaan ng militar at ASG

NALAGAS na naman sa sagupaan ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) makaraan ang panibagong engkuwentro sa munisipyo ng Patikul lalawigan ng Sulu.


Ayon kay Brigadier General Martin Pinto, ang Commander of 2nd Marine Brigade sa Sulu, nagkaroon ng ilang minutong putukan ang kanyang tropa sa Baramgay Kabuntakas.


Matapos umatras ang armadong grupo, narekober ng militar ang bangkay ng hindi pa kinilalang bandido kasama ang isang unit ng M16 Armalite Rifle nito.


Inihayag ni Pinto na kasama ang PNP at local government unit ng lalawigan, patuloy ang isinasagawa nilang law enforcement operation laban sa armadong grupo na humahawak ngayon sa marami pang mga biktima ng kidnapping.


Una rito, kinumpirma ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Comamander Lt. Gen. Rustico, na sa kasalukuyan hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga kidnap victim ang hinahawakan ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Sulu na karamihan ay mga banyaga.


Maliban pa rito ang mga kidnap victim na napaulat na tinatago rin ng iba pang grupo ng ASG sa lalawigan din ng Basilan.


Ang mga biktima ay dinukot sa magkahiwalay na lugar na sakop ng Autonimous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at sa Zamboanga Peninsula.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagkasagupa rin ang ASG at ang tropa ng mga sundalong Marines sa lalawigan pa rin ng Sulu na nagresulta sa malaking bilang ng mga casualty sa magkabilang panig sa layunin ng militar na masalba ang mga kidnap victim at buwagin ang grupo ng ASG na siyang nangunguna rin sa malaking grupo ng kidnap-for-ransom sa rehiyon.


The post Bandido, lagas sa sagupaan ng militar at ASG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bandido, lagas sa sagupaan ng militar at ASG


No comments:

Post a Comment