Sunday, June 1, 2014

Robin ayaw munang makialam kina Kylie at Aljur

NAKARATING na kay Robin Padilla ang balitang hiwalay na ang anak na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Hinihintay na lang daw ni Robin ang anak para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa relasyon kay Aljur kaya naman hindi makapagbigay ng comment si Robin sa tunay na nangyari sa relasyon ng anak sa aktor dahil hindi pa nito nakakausap ang anak.


Pero nagpahayag daw si Robin ng mensahe na hindi ito nakikialam sa personal na buhay ng kanyang anak hangga’t hindi raw lumalapit sa kanya. Hangga’t hindi pa nakakausap ni Robin si Kylie ay mananatiling clueless ito sa sitwasyon ng anak. Pero hindi pa rin ligtas si Aljur sa tunay na dahilan ng break-up ng dalawa.


Matatandaan noong okey pa sina Kylie at Aljur ay nagpahayag si Robin na huwag lang daw masasaktan nang husto ang mga anak niya dahil siya ang makakaharap nito.


Samantala, sa Sunday All Star this coming Sunday ay magiging big day kay Kylie dahil launching ng kanyang album under GMA Record, kung saan mainstay din ng show sina Aljur at Louise delos Reyes na siya daw diumanong dahilan ng hiwalayang Kylie at Aljur.


This Sunday kaya ay magkita-kita na ang tatlo sa Sunday TV show? Last Sunday kasi sa show ay wala at hindi nakarating si Louise pero nandoon si Aljur?


Anyway, ang tanong ay kung isinama pa rin kaya ni Kylie sa album ang kanta na ginawa para kay Aljur. O, pinalitan na niya ng iba dahil sa nasirang relasyon nila ngayon?


Isa sa naiilang sa kasikatan ni Ryzza Mae Dizon ay ang dating child star na si BJ Forbes na ngayon ay nasa cast ng One of The Boys kasama nina Joey de Leon, Eula Caballero, atbp. na napapanood every Saturday at 8:15 pm sa TV 5.


May mga sitwasyon daw kasi na ikinukumpara raw siya kay Ryzza Mae. Naunang naging mainstay kasi ng Eat Bulaga si BJ nang sumali siya sa That’s My Boy noong 2004.


Naging household name din ang screen name niyang Tolits sa isang laundry soap TV commercial ad nila ni Vic Sotto. Nakagawa rin ng maraming TV show sa GMA 7 si BJ at nakasama sa pelikula ni Bossing Vic.


Ngayong teenager na si BJ ay naging madalang na ang paglabas niya sa TV. Pero visible naman daw siya sa mga stage play.


Ayon kay BJ, sa mga pinupuntahan niya lagi raw tinatanong sa kanya kung bakit wala na siya sa Eat Bulaga at ikinukumpara raw siya kay Ryzza Mae na mas madalas makita sa TV kaysa sa kanya.


Inamin nitong naiilang siya sa mga tanong samantalang alam naman daw ng mga nagtatanong ang sagot na si Ryzza Mae ang sikat at kinagigiliwan ngayon. Siya naman ay nagbibinata na kaya may iba na siyang career path.


Pero happy naman si BJ sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Ryzza Mae dahil nakaka-relate siya sa pagiging sikat ng bagets.


Sixteen years old na ngayon si BJ at dalangin na madagdagan pa ang height niya habang nadaragdagan ang kanyang edad.


Binigyan naman ng malisya ng ilan diyan ang hindi pagpansin daw ni Senator Bong Revilla sa ilang mga taong nasa burol ni Aling Nene Vera Perez.


Gusto yata nitong nagrereklamo na pagdating ni Senator Bong sa burol ay batiin at lapitan din ng actor/politician ang lahat ng tao roon.


Nagpunta si Sen Bong para makiramay sa mga naulila. Mas mabuti pa, tumutok na lang sa Kap`s Amazing Stories ni Bong na napapanood every Sunday sa GMA7 na laging inaabangan dahil nakapagbibigay aral ang kada episode ng TV show sa mga televiewers.


The post Robin ayaw munang makialam kina Kylie at Aljur appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Robin ayaw munang makialam kina Kylie at Aljur


No comments:

Post a Comment