Sunday, June 1, 2014

Direk Maryo J, malapit sa kuwento ng Niño

MALAPIT sa puso ni Direk Maryo J delos Reyes ang bagong soap na idinidirek niya sa evening primetime ng GMA 7, ang Niño, dahil dating isa siyang seminarian. Apat na taon ding naging seminarista ang bating na direktor at sa seminaryo nga niya nalinang ang kanyang interest sa directing. Nagdi-direk siya ng stage plays sa school na nagustuhan naman ng mga namamahala ng seminaryo.


‘Di naglaon, sinabihan si Direk Maryo J ng head ng seminary na dapat maging isang director sa stage o pelikula na ang gawing career niya sa buhay. Nakita ng pari na namamahala sa kanila na ito ang talent niya.


Nang lumabas na si direk Maryo J sa seminary, pumasok na siya sa University of the Philippines sa kursong Mass Communication. Sa UP rin na-develop ang hilig niya sa theater, hanggang umanib siya sa PETA kung saan dito nalinang ang kakayahan niya sa pagdi-direct sa stage. Nagdirek din si Maryo J ng Balintataw sa Channel 5 noon. Ang Balintataw ay isang drama anthology na ipinalalabas ang bawat episode weekly. Rito na si Direk Maryo napansin ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at naging house director siya ng Regal Films.


Napili ni direk Maryo J ang Nino bilang kanyang project dahil nakita niya na may kurot sa puso ang innocent looks ng isang binatilyong retardate na may isip na hanggang pitong taong gulang lang. Role ito ng dating child actor at produkto ng StarStruck Kids noong 2005 na si Miguel Tanfelix. Si Miguel ay 15 years old ngayon at may ka-loveteam na siya sa katauhan ni Bianca Umali.


Ayon kay direk Maryo J ang bawat eksena ng Niño ay kapalolooban ng pagmamal sa kapwa. Lalo na istorya ni Niño, may tagasubaybay siyang batang pitong taong gulang sa katauhan ni David Remo na Nino rin. Kaya ang tawag ni Miguel kay David sa istorya ay Tukayo.


Tulad din si direk Maryo J ng ibang Katoliko na devoted sa Sto. Niño kaya ang imahe ng Sto. Niño ay buhay na buhay sa soap na ito.


GLAIZA DE CASTRO AT BENJAMIN ALVES, TULOY SA PAGBUO NG LOVETEAM


TULOY na ang loveteam nina Glaiza de Castro at Benjamin Alves sa bagong soap ng GMA 7, ang Dading, na first starring role ni Gabby Eigenmann na lalabas na isang bading. Full length bading role ito ni Gabby.


Nasabi ni Gabby na nakalabas na siya ng short role bilang bading sa Magpakailanman pero sa Dading ay bading siya sa kabuuan ng kuwento. Sa twist ng istorya ay mag-aasawa rin si Gabby ng isang babae. Tapos may anak din sila at tatawagin siyang Dading.


Malaking paghamon ang soap kay Gabby pero hindi niya ito tinanggihan dahil isa siyang Eigenmann na magagaling pagdating sa acting.


Sa parte nina Glaiza at Benjamin, mabubuntisan ng young actor si Glaiza pero isang OFW si Benjamin na maiiwanan niyang pregnant ang una. At any rate, kahit malayo ang kilalagyan nina Glaiza at Benjamin ay magpapatuloy ang kanilang pagmamahalan. Babalik ng Pilipinas si Benjamin at muling matutuloy ang pag-iibigan nila.


The post Direk Maryo J, malapit sa kuwento ng Niño appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Direk Maryo J, malapit sa kuwento ng Niño


No comments:

Post a Comment