NAKATSIKAHAN namin si Carlo Aquino sa birthday party ng kaibigang Rommel Placente sa R Bistro, Timog. Inurirat ang pagsasama nila ni Angelica Panganiban sa Maalaala Mo kaya kung nagkaroon ba sila ng ilangan.
“Wala na kasi kahit naman nung maghiwalay kami we remained friends hanggang ngayon. Nagkumustahan syempre pero ako pa nga yung unang nagtanong sa kanya kung kumusta na sila ni Lloydie. Kaya walang problema,” pahayag niya.
Wala ba siyang panghihinayang kay Angelica?
“Walang gano’n!” sey niya sabay tawa.
“‘Yong mga staff ng MMK, nagbibiro na bagay raw kami. Siguro dahil ang tagal din bago kami muling nagkasama ni Angelica. And syempre, espesyal pa rin naman siya kahit papano, e. Espesyal pa rin si Angelika dahil ang tagal namin, e. Kumbaga from puppy love ‘tapos nag-mature kami, kami pa rin, e,” aniya.
Pareho naman silang masaya sa kani-kanilang lovelife. Apat na taon na ang relasyon nila ni Kristine Nieto na dating member ng All Female group ng Viva na Eurasia. Nag-iipon pa raw siya kaya hindi siya naiinggit kahit uso na ang proposal ngayon sa mga artista.
Gusto rin daw niya pag gagawin niya ‘yun ay kakaiba dahil big deal ‘yun sa mga babae. Hindi naman daw malaki pero kailangan ay special.
“Ano ‘yong habang nag-i-sky diving?” nagbibiro niyang pahayag.
Beach wedding ang gustong mangyari ni Carlo.
Boom!
-0o0-
TALENT manager na rin ang Viva Recording artist na si Joel Mendoza. Nagtayo siya ng talent agency na Life & Soul Productions and Artists Management. Siya ang tumatayong Senior Vice President (SVP) for Business Development and Artists Management. Katulong niya ang Star Horizon Management & Productions ni Ms. Eleonor Pisk na commercial naman ang forte.
Actually, hindi naman kailangang gawin ito ni Joel dahil may sarili siyang career pero gusto niyang makatulong sa mga talentadong tao na makagawa ng pangalan sa entertainment world.
Ipinakilala ni Joel ang ilan sa mga talents niya sa The Crowd Restobar, Mandaluyong na kinabibilangan nina Julius Concepcion, Kendru Garcia, Ivan Mendoza at WCOPAP champion na si Beverly Caimen.
Si Julius ay dating child star sa pangalang Julijo Pisk. Kilala siya na “Commercial Prince” of the new generation. Naging 3rd runner up siya sa Star Circle Kid Quest 2010. Nakilala rin siya sa PLDT Commercial na “Anna Banana” na naka 4 million hits sa Youtube. Binata na ngayon si Julius na kung saan ay gumanap siya bilang young Gerald Anderson sa My Girl at sa MMK episode na Tourette.
Naging young Matteo Guidicelli siya sa pelikulang Basted.
Si Kendru Garcia naman ay pamangkin ni Joel. Lumaki at nagka-isip sa bansang Saipan. Nagmana siya kay Joel sa larangan ng pagkanta kaya naman napabilang siya sa isang Boy Band sa Saipan. Pang-matinee idol din ang hitsura niya. Lumabas na siya sa ilang TV shows ng TV 5 gaya ng Midnight DJ, Moo Moo and Me, at TV5 Tiger game show. Abala siya ngayon sa workshop para lalo siyang mahasa sa pag-arte.
Si Ivan Mendoza naman ay isang La Salle-lista. Hinawakan siya ni Joel dahil Pilipino ang hitsura.
Parang Richard Gomez na Moreno at posibleng maging leading man balang araw.
Goodluck sa bagong mundo na pinasok ni Joel at sana at magtagumpay ang mga talents niya.
Talbog!
The post Espesyal pa rin kahit papano! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment