Monday, June 2, 2014

MAGKANO?

sibol5 NATANGGAL sa pagka-gobernador si ER Ejercito ng lalawigan ng Laguna.


Ang kaso laban kay ER ay ang sobra-sobra raw na pera na ginamit niya sa eleksyon para sa kanyang kampanya.


Malaking iskandalo pero kung tutuusin puwedeng sabihin na hindi naman abnormal ang ganito sa mga politiko, ang gumasta nang sobra sa kung magkano lang ang pinapayagan ng batas.


Kung naaalala natin, may lumabas nang expose sa media noon tungkol sa mga ebidensya na nakalap at nagpapatunay na ang lahat daw ng Senador na tumakbo noong 2001 ay lagpas ang ginastos sa kanilang kampanya at lumabag sa campaign fund limit na itinalaga ng COMELEC.


Pero bakit wala namang naging kaso, walang na-prosecute.


Ayon sa batas, P5 bawat botante lang ang dapat gastusin ng isang politiko sa kanyang kampanya. Sa probinsya, P3 lang. Multiplied ito sa rami ng voter sa isang lugar.


Sa TV at radio advertisements pa lang ubos na ang ganyang halaga.


Ang naging kaibahan lang sa kaso ni Gov. ER Ejercito ay may complainant laban sa kanya na, ayon sa mga balita, at nakakuha raw ng ebidensya ng sobra-sobrang gastos ni gov noong eleksyon.


Pero sino ba ang hindi sumosobra ng gastos tuwing eleksyon?


Dapat ba na maging honest ang mga politiko sa pagde-declare ng kanilang gastos na alam natin na madalas ay sobra nga o dapat maging reasonable na rin ang COMELEC at itaas na ang campaign fund limit?


Kailangan na sigurong busisiin ulit ang Elections Code. Praktikal pa ba ito sa panahon ngayon, realistic pa ba?


Kung gusto natin na maging tapat sa kampanya ang ating mga politiko, maglagay ng parameters na lahat ng kandidato ay walang paraan para hind sumunod sa utos ng batas.


Dapat patas. Halimbawa, ngayong natanggal na si Gov. ER, hindi ba dapat ay masita rin ang lahat ng kandidato na lumaban sa kanya at matingnan kung sakto ang ginastos ng bawat isa sa kampanya ayon sa batas?


Hindi naman tama na masisita lang kapag may kalaban na magdedemanda.


The post MAGKANO? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGKANO?


No comments:

Post a Comment