PAREKOY, kumusta naman ang shopping spree n’yo para sa school supplies nina Totoy at Nene? Mukhang hilahod kayo ah?
Eh, bakit nga ba?
Dangkasi naman…ang taas ng tuition..elementarya pa lang ang inyong tsikiting ay para nang nagpapaaral ng pagiging piloto ang matrikula.
Huwag nang magtaka, eh, mismong ang Palasyo ng Malakanyang ang nagsabing okay lang ang tuition hike…kayo naman….magtiis na lang kayo ha.
Eto, ha, pinapaalala ko, parekoy, ilang linggo na itong nabalita.
Aprubado kasi ng pamahalaan ang pagtataas ng matrikula sa mga pribadong eskuwelahan para sa kinder, elementary at highschool at maging ang Commission on Higher Education ay inaprubahan din ang pagtaas ng matrikula sa kolehiyo.
Dahil maraming umalma at sa pamamagitan ng tri-media (print, TV at radio) kasama ang internet, nakarating sa Palasyo ang hinaing ng katulad nating parents.
Ang sagot ng Palasyo sa pamamagitan ni Communications Secretary Sonny Coloma, okay lang daw ang tuition hike para nga naman daw sa pagtaas ng expenses ng mga eskwelahan.
Kung hindi raw kaya ng mga magulang ang dagdag-gastos, mag-enroll na lang daw sa public schools!
Anak ng pating naman, parekoy…wala bang solusyon?
So ganu’n na lang ba, parekoy, tiis-tiis tayo ‘pag may time? Pero marami nang time tayong ganito ‘di ba?
Ano ba ang pangako noong tumakbo ang nakaupo ngayon 4 years ago?
‘Di ba sabi, babaguhin ang bansa, tuwid ang daan para masagana at ligtas. Eh, ano ito? Ano itong tiis-tiis pag may time ha, parekoy? Ano ito!!!!????
PATI SCHOOL SUPPLIES MATAAS NA RIN
ISA pang pangako ng Department of Trade Industry na kanilang imo-monitor ang bilihin.
Okay, nagsabi sila ng totoo at ginawa nga nila..kudos DTI..sadyang namo-monitor ninyo.
Pero ang masaklap, parekoy, hanggang monitor lang.
Hindi naman nila mapigilan ang negosyante sa pagtataas ng presyo.
May hulihin at may hanggang huli na lang.
Sapagkat ganoon pa rin na mataas ang presyo.
Anak ng pusa naman, parekoy, lokohan ba ito?
Mataas ang tuition at mataas ang presyo ng papel, lapis, ballpen, bag, sapatos at pati na ang libro.
Pero ang sagot sa atin, tiis-tiis kapag may time. Hak, hak, hak!!!!
The post COOL KA PA BA SA BACK TO SCHOOL? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment