Monday, June 2, 2014

BALIK TRAPIK SA MAYNILA

BIGWAS_Gil Bugaoisan KUNG noon ay pinakaiiwas-iwasan kong dumaan sa Maynila kapag ako ay pumupunta sa Quezon City o sa iba pang lugar sa Northern Metro Manila, ito na ngayon ang aking dinaraanan sa halip na ako ay lumusot sa Makati patungong EDSA.


Noong wala pa kasing truck ban sa Maynila ay mala-impiyerno ang sitwasyon ng trapiko sa Maynila, lalong-lalo na sa kahabaan ng Taft Avenue at EspaƱa ngunit noon simulang ipatupad ni Mayor Erap and Vice Mayor Isko ang truck ban, naging maluwag na ang daloy ng mga sasakyan dito.


Dito natin napatunayan na napakalaking problema talaga itong mga walang disiplinang truck driver na halos ariin na nila ang ating mga kalsada kapag sila ay nasa biyahe. Ang masaklap pa ay pawang mga barumbado at walang modo ang mga truck driver na dinaraan sa laki ng kanilang sasakyan upang pagharian ang ating mga lansangan.


Ngunit magmula noong tanggalan ng sungay itong mga demonyong truck driver sa Maynila ay naging maginhawa na ang ating biyahe. Hindi na rin madalas umiinit ang ulo natin at ang tanging mga pasaway na lang ay mga walanghiyang jeepney driver.


Gayunpaman, halatang hindi tinitigilan ng mga truck operator itong si Mayor Erap na halatang kung ano-ano ang kanilang binibitawang pangako upang ituloy ang kanilang pangmomolestiya sa iba pang mga motorista.


Dahil dito, medyo nag-aalala ang Bigwas sapagkat mukhang nauto nila si Mayor Erap upang baguhin ang patakaran ng Maynila sa ipinatutupad nitong truck ban.


Simula kasi noong Sabado ay maaari nang bumiyahe ng 24 oras ang mga truck gamit ang isang lane sa Roxas Boulevard.


Bagama’t ayon sa ulat ay Roxas Boulevard lamang ang apektado sa pagbabagong ito, tiyak naman na magkakawindang-windang ang mga kalsada sa labas ng Maynila na karugtong nito.


Saan nga ba naman daraan ang mga truck upang marating ang Roxas Boulevard kundi sa mga kalsadang karugtong nito sa mga bayang wala namang ipinatutupad na truck ban?


Tiyak na magiging problema na naman ang trapiko hindi lamang sa Maynila kundi sa mga kanugnog na siyudad dahil hangga’t walang disiplina ang truck driver at patuloy na walang pakialam ang mga truck operator, patuloy na perhuwisyo ang dulot ng mga ito.


Sana ay temporary lang ang desisyon na ito ni Mayor Erap para hindi naman masayang ang kanyang napakagandang napasimulan sa Maynila.


***

Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.


The post BALIK TRAPIK SA MAYNILA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BALIK TRAPIK SA MAYNILA


No comments:

Post a Comment