Friday, June 27, 2014

KORAP AT MANDARAMBONG IPADALA KAY EBOLA VIRUS

burdado-jun-briones2 GUSTO ba nating maubos ang mga korap at mandarambong sa Pinas? May nabalitaan na tayong sagot dito, pare koy.


Sila ang ipadala natin sa West Africa, lalo na sa mga bansang Liberia, Guinea at Sierra Leone, para itakas ang mga overseas Filipino worker mula sa “out of control” nang ebola virus.


May 390 nang patay simula noong Enero sa taong ito dahil sa ebola virus at 90 porsyento ang kinukuha ni Lord sa mga biktima.


Mas matindi yata ito, pare koy, sa Severe Acute Respiratory Syndrome na pumatay ng kulang-kulang sa 800 mula sa mahigit sa 8,000 nagka-SARS sa Asya noong 2002-2003.


Tu bi eksak, parekoy, ang ebola virus, ayon sa mga eksperto, ay ang tinawag noong 1346-50 na black death o bubonic plague na tumodas ng nasa 200-milyon katao sa Europa.


Wala pang gaanong nakaalam kung saan galing ang hayop na sakit na ito pero pinaniniwalaang galing ito sa mga paniki, lalo na ang mga fruit bat at daga.


Kaiba ang ebola virus sa HIV-AIDS na galing umano sa mga unggoy at syphilis na galing naman sa mga kambing.


Habang lumilipat ang HIV-AIDS at syphilis sa sex kahit may condom, ang ebola ay lumilipat sa pamamagitan ng ubo o pawis o laway at iba pang likido.


Lumilipat din ba ang ebola virus sa mga nakikipag-sex dahil puno ng pawis, laway at katas ang mga ito?


Malamang. Hak, hak, hak!


Ngayon, pare koy, dahil 90-porsyento ang natotodas sa mga biktima ng virus na ito, mas magandang ipadala na lang ang 300 kongresman at 25 senador, dati at nakaupo, na sangkot sa mga korapsyon at pandarambong.


Huwag nang pag-usapan ang pagkukulong sa kanila sa kung saan-saan.


Burahin na lang natin ang Hold Departure Order sa kanila at ipadala sila lahat sa mga bansang may ebola virus.


Kung makaliligtas sila sa kamatayan, ibig-sabihin na wala silang ninakaw o nilustay na salaping bayan.


O ‘di hindi na sila poproblemahin pa nina Doña Conchita Morales-Carpio at ni Bb. Leila de Lima.


Lahat ng pinangalanan ng COA, Benhur Luy list, Janet Lim-Napoles list at Ping Lacson List ay ipadala sa may ebola virus.


Isama na rin ang mga nanunuhol ng PDAF at DAP sa impeachment ni ex-Chief Justice Renato Corona para makita kung totoong tumatahak ang mga ito sa Tuwid na Daan. Hak, hak, hak!


King-ina! Dahil sa kagagawan ninyo, milyon-milyong mamamayan ang namamatay, nagugutom, naghihirap at nasa tent cities at evacuation centers.


The post KORAP AT MANDARAMBONG IPADALA KAY EBOLA VIRUS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KORAP AT MANDARAMBONG IPADALA KAY EBOLA VIRUS


No comments:

Post a Comment