NGAYON bigyan natin ng daan ang kasagutan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) kaugnay ng agam-agam ng libo-libong overseas Filipino worker ‘kung bakit sa pagbabawas ng benepisyong PhilHealth ay hiwalay ang doctor’s fee at walang resibo.
Eto, basahin natin ang paliwanag ng PhilHealth.
Dear Ms.Bueno:
Ito ay patungkol sa “Juan de Sabog” kolum ni Johnny Magalona nu’ng May 21,2014 kung saan isang OFW ang nagtanong kung bakit sa pagbabawas ng benepisyong PhilHealth ay hiwalay ang doctor’s fee at walang resibo.
Ang bayad sa doktor ay kasama sa benepisyo mula sa PhilHealth.
Sa dating pamamaraan ng pagbabayad ng PhilHealth na fee-for service kailangan lamang na ipaalam sa doktor na ikaw ay PhilHealth member, itanong kung magkano ang halaga ng professional fee at humingi sa doctor ng kaukulang Official Receipt.
Ang OR na ito ay kailangang maisama sa claim form na isusumite sa ospital.
Ang PhilHealth ang bahalang mag-refund sa miyembro ng kanyang benepisyo para sa doctor’s fee.
Sa ngayon ang PhilHealth ay may bagong paraan na pagbabayad na tinatawag na All Case Rates.Ito ay ipinatupad simula pa nung January 1,2014.
Sa All Case Rate payment ang bawat pagkakasakit ay may katumbas na halaga ng benepisyo kung saan kabilang na dito ang bayad sa ospital at bayad sa doktor.
Sa ganitong proseso ay nakasisiguro na ang lahat ng PhilHealth members na kasabay ng pagbabawas ng PhilHealth benefits sa total ospital bill ay sabay ring naibawas ang benepisyo para sa Professional fee.
VK SA STA. ROSA ‘DI KAYANG TIBAGIN
Anak ng putatsing, hindi talaga kayang tibagin ng Sta. Rosa, Laguna Police ang sangkatutak na vk ni Sgt. Gregorio ng Intel Police.
Bakit? Malaki kasi ang timbre nito sa hepe ng Sta. Rosa Police.
***
Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post SAGOT NG PHILHEALTH SA TANONG NG OFW appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment