WALA raw karelasyon ngayon si Ai-Ai delas Alas kaya naghahanap siya ng panibagong pag-ibig.
Naka-recover na rin siya sa trauma na inabot niya nang magpakasal siya kay Jed Salang at pagkatapos gawin siyang punching bag.
Mahigit isang taon na ang nakararaan pagkatapos na ma-divorced ang kasal niya kay Jed kaya panahon na rin para maghanap daw siya ng panibago.
Kaya bago siya ma-expire ay kailangan makakita na siya ng bagong papa. Open na nga siya sa pakikipag-date. Relasyon lang naman ang kailangan nya, ‘di na importante ang pagtibok ng puso niya.
“Hindi naman nagpapatibok, pero syempre, iyon naman ang sinasabi ko open pa rin ako sa dating, whatever, ganyan-ganyan,” sabi ni Ai-Ai.
Aminado rin siyang puro mas bata sa kanya ang nagiging karelasyon niya.
“Parati namang mas bata ‘yung nali-link talaga sa akin, kasi first, iyon ‘yung binata. Alam niyo naman na pag ka-edad ko na, syempre may mga asawa na ngayon or hiwalay, ganyan,” ayon pa sa tigang na komedyana.
Masaya rin siya dahil naiintindihan siya ng mga anak niya pagdating sa pagkakaroon niya ng kasama sa buhay. Basta masaya raw siya, suportado siya ng kanyang mga tsikiting.
“Ang mga anak ko naman, ang rule namin, kahit hindi naman nangyari ito sa buhay ko, sabi nila, ‘Kung saan ka masaya, mama. Time mo naman ngayon, kasi tapos na ‘yung time mo sa amin. Malalaki na kami. Napag-aral mo na kami, napalaki mo na kami nang maayos. Ikaw naman.”
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Ai-Ai kaya naghahanap na naman ng bago appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment