Sunday, June 1, 2014

Dagdag na panahon hiling ni Zoren sa DoJ

NAKIUSAP ang kampo ng aktor na si Zoren Legaspi sa Department of Justice na mabigyan ng dagdag na panahon para makapagsumite ng counter affidavit sa kinakaharap niyang kasong tax evasion.


Sa dalawang pahinang mosyon, hiniling ng abugado ni Legaspi na si Atty. Ricardo Ribo na payagan silang magsumite ng kontra salaysay hanggang June 20, 2014.


Sa pagdinig na idinaos nitong May 28, 2014, una nang itinakda ni State Prosecutor Stewart Mariano ang deadline para sa pagsusumite ng aktor ng counter affidavit sa June 6, 2014.


Pero sa mosyon, tinukoy ni Ribo na bukod sa hindi tugma sa kanyang skedyul ang June 6, kakailanganin pa nila ng dagdag na panahon para kumuha ng documentary evidence na gagamiting batayan sa pagbalangkas ng counter-affidavit.


Nauna nang sinampahan ng BIR si Legaspi ng P4.45 million tax evasion case dahil hindi idineklara nang tama ang lahat ng kanyang kinita noong taong 2010 at 2012.


The post Dagdag na panahon hiling ni Zoren sa DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag na panahon hiling ni Zoren sa DoJ


No comments:

Post a Comment