Sunday, June 1, 2014

Mga alahas ni Napoles ipinakukumpiska

PINAKIKILOS na ng ilang kongresista ang administrasyong Aquino upang habulin ang sinasabing Imeldific jewelry collection ng itinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.


Sinabi ni DasmariƱas Rep. Elpidio Barzaga na dapat kumpirmahin ng pamahalaan ang ulat na pag-aari ni Napoles ang nakamaletang mamahaling alahas at mga relo na kamakailan lamang ay napaulat.


Dapat aniyang matiyak ng gobyerno na mababawi ang mga ito kapag napatunayan na ang mga ito ay produkto ng pork barrel scam.


Nauna rito ay sinabi ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David na hindi pag-aari ng kanyang kliyente ang mga napaulat na alahas at relo at ang pagsasapubliko nito ay maaaring bahagi lamang ng paninira ng mga opisyal na isinasangkot sa scam.


Kinalampag na rin ni Barzaga ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi na dapat magpatumpik-tumpik sa paghahabol sa buong pamilya Napoles.


Ito na rin aniya ang tamang panahon upang siyasatin ng BIR ang tax returns ng mga Napoles kasama na pati ang sa mga itinayo nitong non-government organization para malaman kung nagbayad ang mga ito ng tamang buwis.


The post Mga alahas ni Napoles ipinakukumpiska appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga alahas ni Napoles ipinakukumpiska


No comments:

Post a Comment