Monday, June 2, 2014

Spurs uusad na sa NBA Finals kontra Heat

sas-in-finals


MULING uusad sa NBA Finals sa ikalawang sunod na taon ng San Antonio Spurs matapos manalo sa serye at talunin ang Oklahoma City Thunder sa sarili nitong teritoryo, 112-107.


Nauwi pa ang laban sa overtime matapos hindi maipasok ni Manu Ginobili ang pampanalong dos na naipasok ni Tim Duncan nang i-follow up niya ngunit hindi na rin umabot sa oras.


Nagtala si Boris Diaw ng 26 puntos para sa Spurs, at 18 puntos naman kay Tim Duncan na tinanghal din bilang best player of the game.


Natapos ang 1st half na lamang ang Thunder sa iskor na 49-42.


Sa pagpasok ng 2nd half, inilabas na si Tony Parker na may walong puntos at ‘di na muling nakabalik pa dahil sa left calf injury.


Ngunit sa kabila nito, nakagawa pa rin ang Spurs ng paraan upang makadikit sa Thunder sa third canto sa iskor na 49-51, may 9:10 pa sa gameclock.


At nang ma-stealan ni Danny Green si Kevin Durant at naisalpak ni Kawhi Leonard ang slam dunk ay dito na tumabla ang Spurs, 51-all, 8:49 ang nalalabi.


May 1:52 sa orasan, lumamang ng tatlo, 70-67, ang Spurs sa magandang assist ni Manu Ginobili kay Tiago Splitter.


Lumobo sa 10 ang kalamangan ng Spurs may isang segundo na lang ang nalalabi sa third canto nang makapukol si Danny Green ng tres na may kasama pang foul, 79-69.


Sa payoff period kung saan lamang ng apat ang Spurs, 1:40 sa orasan, naka-steal si Russell Westbrook at naipasok ang layup kaya bumaba sa dalawa ang kanilang hinahabol, 97-95.


Wala ng isang minuto, nasupalpal ni Serge Ibaka si Duncan na nauwi sa shooting foul para kau Durant at naitabla ang iskor, 97-all.


Bukod pa rito, nabutata rin ni Ibaka si Ginobili 44 segundo ang nalalabi, at naipasok ni Durant ang panlamang na layup, 99-97, may 32 segundo na lang ang nalalabi.


Matapos ito, naipasok naman ni Ginobili ang pamatay na tres kung saan lumamang sila 100-99, may 27 segundo ang nalalabi.


Tila minalas, naka-commit pa ng turnover ang Thunder nang maagawan si Durant sa pagkadulas nito na nagresulta ng dalawang free throw kay Ginobili na nag-split, 101-99, may 16 segundo na lamang sa gameclock.


Naitabla ni Westbrook ang iskor, 101-all, nang makakuha ito ng foul at maipasok ang dalawang free throw.


Nauwi sa overtime ang laban dahil sa pagsablay ni Ginobili.


Sa overtime, lamang ang Thunder, 107-106, sa kinanag layup ni Westbrook.


May 19.4 segundo na lang ang natitira, pumasok ang jumper ni Duncan na nagbigay ng tatlong kalamangan sa kanila, 110-107.


Hindi nagawang maipasok ni Durant ang pangtabla sanang tres 17 segundo ang nalalabi.


Natapos ang laro sa iskor na 112-107, kasabay ng best-of-seven series ng Western Conference Finals, 4-2.


“I have to be honest, this victory is really sweet because we know we played one hell of a team, and we take great satisfaction in that since they’re so special,” ani San Antonio coach Gregg Popovich.


Umiskor ng 34 puntos si Russell Westbrook habang may 31 naman si MVP Kevin Durant.


Muling makakaharap ng Spurs sa ikalawang sunod na taon ang defending champion Miami Heat kung saan nagkampeon ang Heat na umabot sa Game 7.


Mag-uumpisa ang Game 1 sa Biyernes sa AT&T Center sa San Antonio.


The post Spurs uusad na sa NBA Finals kontra Heat appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Spurs uusad na sa NBA Finals kontra Heat


No comments:

Post a Comment