Wednesday, June 25, 2014

Ashley Ortega, bagong pangalan ni Ash Nordstrom

FINALLY, nakapag-decide na ang GMA Artist Center sa screen name na gagamitin ng tween star na si Ash Nordstrom. Gagamitin nang pangalan ay ang Ashley Ortega. Ang Ortega surname ay mula sa mother side ng mother ni Ashley na si Kathleen na galing sa angkan ng Ortega sa La Union.


Si Ashley Ortega ay unang napansin sa mga commercial na sunud-sunod na kanyang nilabasan at sa kanyang kakaibang ganda at talent sa pag-arte, na siyang dahilan kung bakit kinuha siyang contract star ng GMA Artist Center.


Sa ngayon ay beauty titlist na si Ashley. Siya ang 2014 Miss Olive C Campus Model. Bukod pa rito, nakilala rin si Ashley bilang international ice skating champion ng Pilipinas. Di mabilang na medalyang ginto, silver at bronze ang naiambag niyang recognition sa Pilipinas sa Skating competetion sa abroad.


Kasalukuyang nasa cast ng My Destiny si Ashley bilang ka-loveteam ni Ruru Madrid. Lalabas siyang bestfriend ng namatay na girlfriend ni Ruru. Kapatid ni Sid Lucero si Ashley sa istorya ng My Destiny.


Bago nabigyan ng ganitong kalaking break si Ashley, una siyang lumabas si Cielo de Angelina na unang pang-umagang soap opera ng GMA 7 na pinagbidahan nina Bea Binene at Jake Vargas.


Nasundan ng markadong role sa Dormitoryo bilang isa sa mga killer ng horror-drama soap at ang huli’y ang cameo role sa Paraiso Ko’y Ikaw bilang batang G Toengi.


Last Sunday ay nasa Tagbilaran City, Bohol si Ashley kasama ang president at CEO ng Psalmtre na si Jaime Acosta, para i-promote ang Olive C Soap.


The post Ashley Ortega, bagong pangalan ni Ash Nordstrom appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ashley Ortega, bagong pangalan ni Ash Nordstrom


No comments:

Post a Comment