Wednesday, June 25, 2014

Hanggang saan kaya ang friendship kuno nina Kris at Derek?

SAAN kaya hahantong ang friendship nina Kris Aquino at Derek Ramsay? Usap-usapan na kahit sa panonood ng sine ay komportable na silang magkasama with Bimby at Joshua.


Kahit nu’ng ma-ospital si Derek nag-insist talaga si Kris na dumalaw at magdala ng food. Ramdam ni Derek ang pagka-sweet ng actress-TV host.


Nandiyan daw siya bilang kaibigan na handang dumamay at makinig pag may problema ito.


Hindi nai-intimidate si Derek sa pagiging opinionated at dominante ni Kris dahil hindi raw ito plastic. Sinasabi niya kung ano ang gusto niya.


Pero naninindigan siya na purely friendship lang sila ni Kris. Hindi pa raw handa si Derek sa panibagong relasyon.


Ganoon? Ganoon na nga!


-0o0-


Kasal na lang ang hinihintay kina Angel Locsin at Luis Manzano. Pero willing pala si Luis na hindi agad buntisin ang girlfriend kahit mag-asawa na sila. Hindi naman daw sila nagmamadali na magka-baby dahil busy pa sila sa work at marami pa silang dapat asikasuhin sa kanilang mga career.


Puwede naman nilang iantala para ma-explore pa rin nila ang mundo na sila lang muna ang magkasama.


Naniniwala si Luis na mahaba pa ang tatahakin ng relasyon nila bago humantong sa planong kasalan.


Bongga!


-0o0-


Nakatutuwa naman na may bagong serye si Valerie Concepcion sa GMA 7. At least, hindi lang sa work happy kundi maging sa boyfriend niyang future doctor. Nakita na namin ito nang minsang masalubong namin sila sa isang mall at may hitsura ang naturang doctor.


Mukhang nakakasundo rin ng anak niyang si Fiona ang bf niya. Komportable si Fiona na sumama sa kanya at kahit silang dalawa lang ang mag-mall.


Paano kung mag-propose na ito ng kasal?


“Agad-agad? Di ba ‘pagka ganun, engagement lang naman muna. Right now, hindi pa. Next two to three years siguro,” deklara ni Valerie.


Gusto rin tapusin ni Valerie ang pag-aaral niya bago mag-asawa. Nag-enroll siya ng kursong Marketing sa AMA, Project 8. Gusto raw niya na maging proud ang anak niya na nagpilit siyang maka-graduate. Gusto niyang maging inspirasyon siya ni Fiona.


Bukod dito, ayaw rin niyang mapag-iwanan na magiging future doctor ang boyfriend niya at siguradong ang mga friends nito ay tapos rin sa pag-aaral.


“Ayoko na mamaliitin ako even the family. Iba pa rin syempre ‘yung nakapag-aral ka,” sambit pa niya.


Oo nga naman!


The post Hanggang saan kaya ang friendship kuno nina Kris at Derek? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hanggang saan kaya ang friendship kuno nina Kris at Derek?


No comments:

Post a Comment