Wednesday, June 25, 2014

Ngayon lang na-realize na mahal pala ang ex-husband?

BUMILIB ang marami at pati na rin kami sa ginagawang Advocacy sa Tourism nitong sexy, guwapo at mabait na actor na si Dante Balboa. Nalibot na niya halos ang buong Pilipinas sa pagtuklas ng magagandang tanawin na hindi nagagawa ng mga taga-turismo mismo. Bawat lugar na pinupuntahan niya ay naka-post kaagad at tila pino-promote niya ang ganda ng ating bayan.


Marami pang mga undiscovered islands (forest) na may magagandang waterfalls roon sa kabisayaan at Mindanao na ngayon lamang namin nakita sa kanyang mga postings sa facebook. Pati na rin ang mga lumang mga simbahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay amin na ring nakita sa pamamagitan ni Dante.


Mistulan siyang si Adan kapag nasa isang malayong isla na siya na asul na asul ang tubig at puti ang buhangin. Hubad siya roon habang naliligo. As in, walang saplot at ang photographer lang ang nakakikita ng kanyang kahubdan.


Sana man lamang mabigyan naman siya ng pansin nang ating gobyerno ng isang recognition sa kanyang ginagawa sa pagpo-promote ng turismo sa ating bansa. Isang parangal man lang ng Department of Tourism o kahit na ba Ambassador ng Turismo ay bagay na rin sa kanya.


Hanggang sa sinusulat namin itong aming column, nasa isang panig siya ng Visayas at ang suwerte pa nga niya na bago dumating ang bagyong Yolanda na nanalanta sa Eastern Visayas ay nakapagpakuha siya ng picture roon sa Red Beach sa Palo, Leyte sa malahiganteng rebulto ni Douglas MacArthur na ngayon ay wasak na.


Kung gusto nyong makakita ng magagandang lugar sa Pilipinas, bisitahin nyo ang facebook acct. ni Dante Balboa. Hindi lamang magagandang tanawin ang masisilayan n’yo kundi ang kanyang mala-adonis na katawan.


Promise!


-0-


Sana, period na itong bruhaha ng pamilya Lahbati at Gutierrez at huwag nang palakihin pa. Tila napagbibintangan pa na promotion ito ng kanilang TV show upang makapag-ingay. Emote to the max daw itong nanay ni Sarah na si Esther Lahbati na noon daw manganak si Sarah kay Zion, siya at ang kanyang husband ang kasama-sama ng kanilang apo na halos isang taon din na pananatili sa piling nila.


Nang umuwi ng Pilipinas at ginamit nila (pamilya Gutierrez) ang kanyang apo para ipakita sa TV at naging laman ng mga balita at sumikat na ito, saka raw siya nabalewala.


Hayan ha? Pagkatapos ng kontrobersyal na pagbalot ng tirang pagkain, ngayon naman ang paggamit daw sa kanyang apo para sa kanilang produced na show sa channel E. Ano raw ba ang pamagat ng show sabi ni Aling Rosenda dahil wala man daw ganyan channel ang kanyang tv kaya ignorante siya kung ang show ng pamilya.


-0-


Ay! ano ini na aming nabalitaang nag-panic daw ang dating misis ni James Yap na si Kris Aquino nang mabalitaan nito na nagkaroon ng pre-nup pictorials ang magkasintahan na James at ang magandang mapapangasawa nito na si Michaela, isang berdaderong italyana.


Talagang pina-check nito roon sa Yes magazine kung totoo na nag-pictorial sila at ang sabi raw ay concept lang ito kug sakaling matuloy ang kasalan. Nang malaman nga ni Tetay na totoo nga ang pictorial, nag-dialogue raw ito na happy raw siya para kay James. Hahaha, naman! the height ng kaplastikan. Sa puso niya tumututol siya or may bahid inggit dahil si James ay maligaya na sa piling ng Italyana at siya (Kris) walang lover sa mga oras na ito.


Poor little rich girl, ngayon lang niya na-realize na gusto pa rin niya ang tatay ni Baby James.


Ciao Bambino!


The post Ngayon lang na-realize na mahal pala ang ex-husband? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ngayon lang na-realize na mahal pala ang ex-husband?


No comments:

Post a Comment