Saturday, November 2, 2013

Young, namuno sa panalo ng Sixers

WASHINGTON (AP)- Umiskor si Thaddeus Young ng 29 puntos, malamyang nagsimula si rookie Michael Carter-Williams bago nag-init sa laro, habang nagposte naman sa kabilang dako si John Wall ng 26 puntos upang mapatatag ng Philadelphia 76ers ang sorpresang 2-0 matapos kamkamin ang 109-102 victory laban sa Washington Wizards.



Makaraang kulapsuhin ang twotime defending champion Miami Heat noong Huwebes, naghabol ang 76ers mula sa 12-point second-half deficit at hadlangan ang home opener ni Wall at ng Wizards, taglay na ang ikalawang pagkatalo sa pagsisimula ng season na siyang pumantay rin sa playoffs-or-bust ni owner Ted Leonsis.


Inasinta ni Young ang 10 sa fourth quarter, tumapos si Evan Turner na mayroong 23 puntos, habang nagsalansan si Spencer Hawes ng 16 puntos at 14 rebounds para sa 76ers. Taglay ni Carter-Williams ang 6-for-15 mula sa field matapos ang kanyang 0-for-5 start kung saan ay naitarak nito ang 14 puntos at 5 assists. Malayo ito sa kanyang stellar NBA debut nang magtala ito ng 22 puntos, 12 assists, 9 steals at 7 seven rebounds kontra sa Heat.


Isinagawa ni Wall ang kanyang unang 7 buslo ngunit nagkaroon lamang ng 3-for-12 sa sumunod na yugto. Tila ‘di ito napigilan sa unang quarter nang kubrahin nito ang 10 puntos sa 55-second span, tinapik ang kanyang dibdib gamit ang kanang kamay at saka sumigaw ng maisakatuparan ang kanyang ikalawang 3-pointer.


Ngunit ‘di pa rin makuha ng Wizards ang kalamangan sa sariling tahanan na humarap sa koponan na inaasahang magiging NBA’s worst team. Umungos ang Washington sa 12 puntos matapos ang first quarter ngunit ‘di nila ito naipagtanggol sanhi ng masamang field goal sa halos 6 na minute sa ikalawang round.


Nang tapyasin ng 76ers ang kalamangan sa 2, ikinasa ng Wizards ang 7 sunod na puntos tungo sa 54-44 sa half. Ngunit nawalis ang 12-point lead nila sa third quarter sa loob ng ilang minute lamang kayat nagtabla ang dalawang koponan 74 bago umentra sa fourth.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Young, namuno sa panalo ng Sixers


No comments:

Post a Comment