Saturday, November 2, 2013

P29M pinsala ni ‘Vinta’ sa Luzon

Inihayag kahapon National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa P29 milyon ang halagang ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong “Vinta” sa Hilagang Luzon.


Ayon sa ulat ng NDRRMC, may kabuuang 24,123 pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 104,829 katao sa limang lalawigan sa Region I, 2 at CAR .


May 1,794 katao mula sa 299 pamilya ang nagsilikas at nananatili pa rin sa mga evacuation center.


Hinahanap pa rin ng mga search-and-rescue team ang biktimang si Loridel Baldos, 30, ng Barangay Quidoen, San Juan, Abra.


Umabot sa 14,91 bahay ang nasira kung saan nasa 1,737 dito ang tuluyang nawasak sa Ilocos Norte, Cagayan at Apayao.


Matapos ang pananalasa ng bagyong “Vinta,” ibinabala naman ng NDRRMC na may low pressure area (LPA ) ang namumuo ang binabantayan ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) sa bahagi ng Visayas.


Ayon sa ulat na nakarating sa MDRRMC mula sa JTWC ang LPA ay namataan sa Pacific Ocean at tinatahak ang Visayas. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P29M pinsala ni ‘Vinta’ sa Luzon


No comments:

Post a Comment