Friday, November 8, 2013

Wade, susi sa panalo ng Miami

MIAMI (AP)- Nagposte si Dwyane Wade ng 29 puntos, ang 11 ay mula sa fourth quarter, upang pigilan ng Miami Heat ang Los Angeles Clippers para sa 102-97 panalo kahapon.


LEBRON James Nag-ambag si LeBron James ng 18 puntos sa Heat (4-2), napagwagian ang kanilang ikatlong sunod na panalo at napalawig ang kanilang club record sa pamamagitan ng pag-iskor na ‘di bababa sa 100 puntos sa amin na magkakasunod na laro sa pagsisimula ng season.



Tumapos si Chris Bosh, naglaro sa unang pagkakataon matapos na manganak ang kanyang asawa sa linggong ito, ng 12 puntos sa Miami.


Nagtala si Blake Griffin ng 27 puntos at 14 rebounds para sa Clippers (3-3). Ang kanyang dunk sa nalalabing 31 segundo ang naglapit sa Clippers sa 4 na puntos na pagka-iwan na lamang, ngunit hinayaan ni Griffin sa halos na 15 segundo na tumakbo si James sa sumunod na posesyon.


Naisakatuparan ni James ang isa sa dalawang free throw upang itulak ang Miami sa 5 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng quarter.


Umiskor si J.J. Redick ng 15 puntos, nagdagdag si Jamal Crawford ng 14, tumapos si Chris Paul na mayroong 11 puntos at 12 assists, habang nagsalansan si DeAndre Jordan ng 11 puntos at 14 rebounds para sa Clippers.


Inasinta ni Ray Allen ang 12 puntos sa Miami, nakakuha rin ng 10 puntos mula kay Chris Andersen.


Kasama na ang playoffs, napagtagumpayan na ng Heat ang 51 sa kanilang huling 57 ang mga laro nang si Wade ay nagtarak ng mahigit sa 20 puntos, simula pa noong Hunyo 2012. Ito rin ang unang pagkakataon, simula pa noong Marso, nang si Wade ay umiskor ng ‘di bababa sa 20 puntos sa apat na magkakasunod na laro, ang streak na sinundan naman sa kanyang pagpapahinga sa ikalawang laro sa season.


Tumipa rin si Wade o nagsagawa ng assists sa unang anima na field goals ng Miami sa fourth quarter, kasama na ang three-point play, bukod pa sa nakakuha ng foul sa jumper ni Redick. Ilang minuto ang nakalipas, nagsagawa si Wade ng 3-pointer sa harap ni Shane Battier upang ibigay sa Miami ang 91-80 kalamangan. Ang kaganapan ang lubhang ikinagalak ng 2006 NBA Finals MVP.


Hindi na muling lumingon ang Heat kung saan ay napatatag nila sa 50-7 ang kampanya sa sariling pamamahay sa pagsisimula ng nakaraang season, kasama na ang playoffs.


Sa ikaanim na pagkakataon, nakita ng Heat ang madaliang pagka-iwan, at sa ikaapat na pagkakataon ay nahabol nila ang pagka-iwan sa eksaktong 9-2, nangyari rin sa Chicago, Washington at Toronto. Iniwanan ng Heat ang Brooklyn sa maagang 11-3, ngunit sumadsad sa Philadelphia sa 19-0 at 26-4.


Ngunit ‘di naman iyon nagtagal nang itabla ng Miami sa ikatlong okasyon ang iskor sa opening quarter, at pagkatapos ay kinuha ang unang kalamangan mula sa baseline jumper ni Andersen sa nalalabing 8:58 sa unang half. Kinubra ng Clippers ang 12-5 spurt upang kamkamin ang seven-point lead sa sumunod na yugto sa naturang half, at maiselyo ang 56-52 halftime lead kahit pa nahadlangan si Paul sa 5 puntos, ang kanyang pinakamababa sa first half sa season na ito.


Binuksan ni Griffin ang ikalawang half na may 3-pointer, ngunit sadyang nakipagsabayan ang Heat, bukod pa sa napakasamang laro ni Battier sa huling bahagi ng third, ang nakatulong sa Miami para tumapos sa period na kaakibat ang 12-5 run upang kunin ang 76-73 lead.


Muling umatake si Battier laban kay Jordan, sa nalalabing 8:33 sa fourth, upang ipreserba ang 88-80 lead.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wade, susi sa panalo ng Miami


No comments:

Post a Comment