Saturday, November 2, 2013

Vice mayor ng Cagayan nabiktima ng snatcher

NABIKTIMA ng mga snatcher na riding-in tandem ang vice mayor sa Sta. Ana matapos hablutin ang kanyang bag habang nasa Tuguegarao.


Kinilala ang biktima na si Genevie Rodriguez, 45, ng Brgy. Palauig, Sta. Ana.


Ayon sa PNP Sta. Ana, naghihintay ng sasakyan si Rodriguez patungo sa terminal ng bus sa Tuguegarao nang biglang hablutin ng riding-in tandem ang kanyang bag na naglalaman ng cash, dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P35,000 at P37,000, isang diamond ring na nagkakahalaga naman ng P200,000.


Nabatid na galing sa bangko at nag-withdraw ng pera ang bise alkalde nang hablutin ng dalawang lalake ang kanyang bag.


Samantala, ipinakita naman ng mga awtoridad ang larawan ng mga suspek na nanghahablot ng bag at napag-alaman na namukhaan nito ang mga suspek na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.


The post Vice mayor ng Cagayan nabiktima ng snatcher appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vice mayor ng Cagayan nabiktima ng snatcher


No comments:

Post a Comment