Saturday, November 2, 2013

Miss Philippines panalo sa glam shoot ng Miss Universe

LALO pang lumakas ang pagiging frontrunner ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na si Ariella Arida.


Ito’y makaraang si Arida ang nanalo sa glam shoot mula sa 87 kandidata ng pageant na nag-pose para sa photographer na si Fadil Berisha.


Sa kanyang larawan suot ang puting two piece swimsuit at puting fur coat para sa temang “Ice Princess,” ang Filipina beauty queen ang itinanghal na Ice Princess.


First runner-up si Miss Spain na sinundan ng kandidata ng Great Britain, South Africa at fourth runner-up si Miss Australia.


Ayon sa reviews, mula sa exotic sultry look ay naging high class fashion model si Ariella.


Napag-alaman na sa major events sa pre-pageant activities, nangunguna sa pinipiling kinatawan ang pambato ng Pilipinas kung saan kasama si Ariella sa anim na kandidata na kinuha para sa TV commercial ng Mercedez Benz at isa sa mga rumampa sa Russia Fashion Week.


Ayon sa fashion experts, kapag patuloy na ma-impress ni Arida ang judges, hindi malayong maiuwi ng 24-year old beauty queen ang pangatlong Miss Universe title para sa bansa.


Ang coronation night ng Miss Universe pageant ay gaganapin sa Nobyembre 10 (oras sa Pilipinas), sa Moscow, Russia.


The post Miss Philippines panalo sa glam shoot ng Miss Universe appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Miss Philippines panalo sa glam shoot ng Miss Universe


No comments:

Post a Comment