Monday, November 4, 2013

Trust fund sa ulila, isinulong

Isinusulong ng mga mambabatas ang paglikha ng isang government-funded special trust fund para sa mga naulilang menor de edad na nasa mga ampunan o child-caring institutions.


Sa House Bill 2798, na inakda nina Reps. Diosdado Macapagal Arroyo ng Camarines Sur at Gloria Macapagal-Arroyo ng Pampanga, poprotektahan ang mga batang ulila sa anumang uri ng kapabayaan at pang-aabuso at susuportahan sila hanggang sa tumuntong sa tamang gulang.



Sa ilalim ng panukalang bata, ang trust fund account ng isang naulilang bata ay bubuksan sa pangalan ng naulila sa ilalim ng memorandum of agreement (MOA) na ipatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ang bawat sakop na ulila ay pagkakalooban ng quarterly deposit sa kanyang trust fund sa buong panahon na siya ay nasa bahay ampunan o sa isang child-caring institution, hanggang sa sumapit siya sa edad na 18, sinabi ni Diosdado Arroyo.


Kapag naipasa ang batas, idedeposito ng DSWD ang P10,000 quarterly sa bawat trust fund account, maliban kung ito ay ihihinto ng DSWD sa pagkamatay o ineligibility ng recipient orphan. Inaatasan din nito ang DSWD, kasama ang iba pang government agencies na responsible sa welfare and development ng kabataan, na lumikha ng isang monitoring system para matugunan ang mga pangangailangan ng mga naulilang bata. – Ron B. Lopez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Trust fund sa ulila, isinulong


No comments:

Post a Comment