Monday, November 4, 2013

Charo, Kris at Karen ginawaran ng Golden Wheel Awards

KASAMA sina Charo Santos-Concio, Kris Aquino at Karen Davila sa mga pinarangalan sa Golden Wheel Awards na iginawad ng Quezon City government at Rotary International District 3780 nitong Oktubre 26 sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas.



Kinilala ang galing ng presidente at chief executive officer ng ABS-CBN na si Charo sa corporate media management. Pinangunahan niya ang pagpapalakas ng kabuuang kita ng pinamamahalaang ABS-CBN diversified conglomerate, humimok sa pagpasok ng mas maraming advertisements sa telebisyon, at sa pangunguna ng ABS-CBN Network sa ratings sa buong Pilipinas.


Ginawaran naman ng parangal ang Queen of All Media na si Kris dahil sa kanyang kahusayan sa larangan ng entertainment media. Bukod sa mga parangal na kanyang natanggap bilang aktres at TV host ay ilang beses din siyang nahirang bilang Box Office Queen. Noong nakaraang taon ay tumanggap na rin siya ng iba oang mga parangal bilang mahusay na media personality tulad ng Most Influential Endorser of the Year mula sa Educators and Critics Circle Award for Media Communication, Best Lifestyle Program Host mula sa Golden Screen TV Awards at Best Female Celebrity Talk Show Host mula sa PMPC Star Awards for TV.


Si Karen ay pinarangalan naman dahil sa mga kontribusyon niya sa broadcast journalism. Sa loob ng 15 taon ay umani na rin siya ng maraming pagkilala sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang parangal mula sa New York Festival at bilang isa sa Ten Outstanding Young Men Awards for Broadcast Journalism noong 2008.


Ito ang ikalawang taon ng Golden Wheel Awards sa pagkilala sa mga indibidwal na nagpamalas ng kahusayan sa kani-kanilang larangan at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Charo, Kris at Karen ginawaran ng Golden Wheel Awards


No comments:

Post a Comment