Thursday, November 14, 2013

Trike, trak nagbanggaan: Driver patay, titser kritikal

PATAY ang isang tricycle driver habang kritikal ang pasaherong guro matapos masangkot sa banggaan ng tricycle at truck sa Binalonan sa Pangasinan.


Kinilala ang biktima na si Anselmo Ramo, ng nabanggit na lugar, habang kritikal naman ang gurong si Nieves Ramos, 46, public teacher, ng naturang bayan .


Ayon sa impormasyon, liliko na sana ang tricycle na minamaneho ni Ramos nang mahagip ng truck na minamaneho naman ni Roseo Ilnas, 39, ng Ubando Bulacan.


Bunsod nito ay tumilapon ang dalawang sakay ng tricycle na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan na ikinasawi ni Ramos.


Desidido ang pamilya ng namatay na biktima na sampahan ng kaukulang kaso ang driver ng truck.


The post Trike, trak nagbanggaan: Driver patay, titser kritikal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Trike, trak nagbanggaan: Driver patay, titser kritikal


No comments:

Post a Comment