Thursday, November 14, 2013

Bahala na……!

ISA sa mga masasabi kong artista na matulungin pagdating sa mga ganitong klseng pagkakataon ay si Angel Locsin. Kanina sa programang Kris TV, kinumpirma ng aktres ang pag-donate niya ng isa sa mga paborito niyang vintage car na hinanap pa niya sa ibang bansa para magkaroon lang siya nito na matagal na raw niyang pangarap.


Two years ago nabili niya ang 1970 Chevrolet Chevelle na ngayo’y taos-puso niyang ipinagkaloob sa ABS-CBN Sagip Kapamilya para makatulong sa ating mga kababayan sa bagyong ‘Yolanda.’


Pahayag ng aktres: “Naisip ko.. at idea ko nga sana riyan, tayong mga nasa industriya, meron tayong mga extra car kadalasan. “Yung hindi natin nagagamit, i-donate natin and maghanap tayo ng sponsor na magse-setup, tapos ipapa-auction para makagawa ng magandang evacuation centers o eskuwelahan.


“Kaya isu-surrender ko lang ang car sa Sagip Kapamilya.”


Dagdag pa niya, “Sa inyo ito. Kung anong maging plano ninyo, okay ako. Pambuo sana ito ng mga eskuwelahan kasi nasira ang mga schools nila, so ‘yun ang gagawing budget sana.”


Pahayag pa ng aktres, sana tulungan siyang mapabilis ma-expose o mabenta ito para mas madaling magamit ang mapagbibilhan nito para sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong yolanda.


“All original body kit po ‘yan. Sana suportahan ito ng mga mahihilig sa kotse, kasi for charity naman… para ito sa tao talaga,” sey pa niya.


Bakit naisipan niya na ito pa ang ibigay samantalang paborito niya ito?


“Aanhin ko naman na meron ako ng ganitong klaseng car kung ganito namang marami ang naghihirap dahil sa naging trahedya ng ating mga kababayan. So, mas magandang i-share natin para marami tayong matulungan dahil kailangan nila,” kwento pa niya.


***

VERY vocal na inamin ni Raymart Santiago na kahit paano, naka move-on na siya slowly pero siyempre, masakit pa rin ang nangyari sa naging kontrobersiya ng kanyang marital problems sa rating asawa na si Claudine Barretto. Ngunit sa kabila ng masalimuot na kinahinatnan ng kanilang pagsasama, ano ang mga positibong aspeto na natutunan ni Raymart sa pangyayaring ito?


“Well, siyempre, ang disadvantage ay ‘yung nami-miss ko ang mga anak ko. Pero at the same time, ‘yung mga hindi ko nagagawa dati, nagagawa ko ngayon. Sa free time ko, ibinubuhos ko sa mga kapatid ko, sa mommy ko. Unlike dati puro sa pamilya ko lang.


“Ngayon, ang time ko sa mommy ko…lalo na hindi na siya bata, ito ‘yung na miss ko sobra,” sey niya.


Sa rami ng nangyari sa kanyang buhay, malaki ba ang posibilad na muli siyang umibig o magkaroon ng panibagong relasyon?


“Siguro sa ngayon hindi pa.. mahirap na! Focus na muna ako sa mga bata…” lahad pa niya.


Sa darating na Christmas, first time niyang hindi makakasama ang asawang si Claudine.


Paano ang setup nila sa mga bata.?


“Sa ngayon talaga, ang masasabi ko sigurado ‘kong makakasama ang immediate family ko. ‘Yung mommy ko, si Rowell, si Randy, ‘yung mga pamangkin ko…Pero hindi ko pa alam ‘yung itatakbo ng kaso, kung saan ang schedules ng mga bata. Basta bahala na..” pagtatapos pa niya.


The post Bahala na……! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahala na……!


No comments:

Post a Comment