Saturday, November 16, 2013

Systematic management ng mga bangkay inilatag

NAGLATAG ang Department of Health (DOH) ng plano para sa systematic management ng mga bangkay ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.


Nabatid na nag-convene ang DOH, forensic experts mula sa World Health Organization (WHO), National Bureau of Investigation (NBI), at University of the Philippines (UP) upang mag-establisa ng mabilis na sistema sa pagma-manage ng mga bangkay.


Ang naturang sistema ay katulad sa kasalukuyang international standards sa Disaster Victims Identification (DVI).


Maging ang Philippine Red Cross (PRC) ay susuporta rin sa mga grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng psychosocial support at paghahanda ng mga komunidad.


Matatandaang marami pang mga bangkay sa mga apektadong lugar ang hindi pa nakikita at narerekober hanggang sa ngayon.


Ang mga narekober naman na ay hindi pa nakikilala at naililibing hanggang sa kasalukuyan.


Kaagad naman na sinimulan ang quick system nitong Sabado ng mga grupo na binubuo ng mga forensic expert at apat na iba pa, kabilang ang isang photographer.


Gayunman, hindi pinapayagan ang public viewing sa pagkilala sa mga bangkay bagamat ang mga kamag-anak ng mga ito ay maaaring pahintulutang makilahok sa final identification ng mga bangkay sa itatakdang panahon.


Bawat grupo ay hahawak ng 40-bangkay kada araw, kung saan ang mga larawan, mga palatandaan, gamit at mga DNA samples ng bawat bangkay ay kokolektahin upang mapadali ang pagkilala sa kanila.


Matapos ang identification procedure sa mga bangkay, ay pansamantala silang ililibing, alinsunod sa protocol.


Umapela naman si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na maging mapagpasensiya at maunawain dahil ang final identification ng mga bangkay ay maaari aniyang magtagal.


Iginiit rin ni Ona na mahalagang mailibing ang mga patay ng may dignidad.


Kasabay nito, muli ring iginiit ng DOH na walang dapat na ipangamba ang publiko sa mga naturang bangkay dahil hindi naman ito magiging sanhi ng epidemya.


Paliwanag ng DOH, ang mga infectious germs ay hindi magsu-survive sa isang bangkay ng lampas sa 48-oras.


Maaari rin naman umanong magsuot ng guwantes ang mga body handlers sa paghawak ng mga bangkay at maghugas ng mabuti ng kanilang kamay bilang precautionary measure.


The post Systematic management ng mga bangkay inilatag appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Systematic management ng mga bangkay inilatag


No comments:

Post a Comment