Saturday, November 16, 2013

Pagkain ng patay na hayop mapanganib – DoH

NAGBABALA si Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag sa pagkain ng mga patay na hayop dahil mapanganib ito sa kalusugan, kasunod na rin nang pagkagutom ng mga residente sa Eastern Visayas na tinamaan ng super typhoon Yolanda.


Ayon kay Tayag, director din ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang pagkain ng patay na hayop ay mapanganib sa kalusugan kahit pa ang mga ito’y nilutong mabuti.


“#doh advisory: consumption of dead animals pose health risks Even when these are properly cooked health risks still remain #YolandaPH,” tweet pa ni Tayag.


Aminado naman si Tayag na kung talagang hindi na mapaglabanan ng mga typhoon victim ang dinaranas na labis na gutom ay posibleng magawa ng mga ito na kumain kahit ng mga hayop, na namatay din dahil sa bagyo, upang makaraos.


Gayunman, pinayuhan ni Tayag ang mga residente na sakaling magkasakit ay kaagad na humingi ng tulong sa mga kinauukulan.


The post Pagkain ng patay na hayop mapanganib – DoH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkain ng patay na hayop mapanganib – DoH


No comments:

Post a Comment