Monday, November 18, 2013

Suplay ng kuryente sa Palawan, di pa naibabalik

IPINAHAYAG ng pamunuan ng bayan ng Coron, Palawan na aabutin pa ng hanggang tatlong linggo bago maibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar.


Umaasa si Coron Mayor Clara Reyes na maibabalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar dahil napapanis na ang kanilang pagkain na labis na nakapipinsala sa kalakalan.


Pinanghahawakan ni Reyes ang katiyakang ibinigay sa kanila ng isang local electric cooperative sa Palawan.


Ipinabatid pa ng alkalde na tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng mga portable drinking water sa lugar.


Kabilang aniya sa nabiyayaan nito ay ang mga taga-Barangay Poblacion.


The post Suplay ng kuryente sa Palawan, di pa naibabalik appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Suplay ng kuryente sa Palawan, di pa naibabalik


No comments:

Post a Comment