Monday, November 18, 2013

Fil-Am tumalon sa footbridge

Isang 26-anyos na Fil-Am ang isinugod sa ospital matapos tumalon sa isang footbridge sa Pasay City noong Linggo.


Kinilala ng pulisya ang nagtangkang magpakamatay na si Michael Castro Godoy, ng 19820 Dina PL Chatworth, California, USA.


Ayon sa security guard na si Nove Gavin, namataan niya si Godoy na tila tuliro habang nasa isang footbridge malapit sa Manila International Airport Authority Terminal 4 sa Domestic Road, Pasay City dakong 6:20 ng umaga noong Linggo.



Nang matunugan niyang may balak itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa istraktura, agad na inabisuhan ang kapwa sekyu na si Mark Billy Badoy na pigilan si Godoy upang makunan ng una ng video ang biktima.


Subalit nang makita ni Godoy ang mga papalapit na pulis at sekyu, agad itong tumalon mula sa footbridge at bumagsak sa lansangan una ulo.


Si Godoy ay isinugod sa Pasay City General Hospital bunsod nang tinamong basag sa ulo habang inaalam pa rin ng pulisya ang dahilan sa tangka nitong pagpapakamatay, ayon pa sa pulisya. – Mitch Arceo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fil-Am tumalon sa footbridge


No comments:

Post a Comment