Monday, November 4, 2013

Signal No. 1 itinaas sa 7 lugar sa Mindanao

Tuluyan nang nabuo bilang bagyo ang low pressure area sa bahagi ng Mindanao at pinangalanang itong “Wilma.”


Itinaas kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 1 sa Dinagat Island, Surigao del Norte (kasama ang Siargao Island), Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.



Si “Wilma” ay may taglay na bugso ng hanging 30-60 kilometro kada oras kung saan apektado nito ang mga naturang lalawigan sa susunod na 36 oras.


Mapanganib ang pumalaot sa mga karagatang sakop ng mga nasabing lalawigan, ayon sa PAGASA.


Huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.


Inihayag ng PAGASA na posibleng mag-landfall ang bagyo sa mga tinukoy na lugar sa loob ng 24 oras. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Signal No. 1 itinaas sa 7 lugar sa Mindanao


No comments:

Post a Comment