Thursday, November 7, 2013

Rom 15:1421 ● Slm 98 ● Lc 16:18

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Ano ang gagawin ko? Pagkatanggal sa akin, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay. Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga mayutang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang isa: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo; maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.”


PAGSASADIWA

Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa. – Ang pagiging matalino at buo ang loob sa pagharap sa mga problema ang dapat gayahin ng mga anak ng liwanag, at hindi ang baluktot na pamamaraan ng katiwala. Ang kinabukasang nararapat isaalangalang ay ang buhay na walang hanggan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rom 15:1421 ● Slm 98 ● Lc 16:18


No comments:

Post a Comment