Thursday, November 7, 2013

Napoles, kinuyog ng whistleblowers

Ni Leonel Abasola


Kinuyog ng mga whistleblower si Janet Lim-Napoles, itinuturong utak ng P10-billion pork barrel scam, sa kanyang pagdalo sa ika-anim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.


Suot ang isang bullet proof vest, itinanggi ni Napoles na may kinalaman ang ilang mambabatas sa multi-bilyong pisong anomalya kasabay ng pahayag ng kanyang pakikisimpatya sa mga idinawit sa pork barrel scam na aniya ay wala namang katotohanan.



Sinabi pa nito na wala ring katotohanan na may mga pekeng non-government organization (NGO) siya na nilaanan ng pondo galing sa PDAF at napunta sa kanya.


Pero ayon sa pangunahing whistleblower na si Benhur Luy, nagsisinungaling si Napoles sa mga akusasyon laban dito.


“Sir, nagsisinugaling po siya. Totoo po yun,“ sagot ni Luy kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofi sto Guiingona III.


Pinatotohanan din ito ng mga whistleblower na sina Marina Sula, Merlinda Sunas, Simonette Briones at Mary Arlene Baltazar.


Tinukoy din ni Luy sina Ruby Tuazon, Paulene Labayen at isang Atty. Richard Gambe, mga tauhan ni Sen. Jinggoy Estrada na kumuha ng milyun-milyong pisong komisyon mula sa mga bogus na proyekto.


Sinabi pa ni Luy, na may tauhan din si Sen. Ramon Revilla Jr., na nakatanggap ng komisyon sa kanya at kay Sunas, na isa sa mga naghahanda ng pera.


Bago mag-umpisa ang hearing binigyan si Napoles ng 30-minuto para makausap ang tatlong abugado ng Public Attorney’s Office (PAO), pero tinabla naman ng komite ang hirit ng kampo ni Napoles na isailalim sa “executive session” ang pagdinig.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles, kinuyog ng whistleblowers


No comments:

Post a Comment