Monday, November 4, 2013

Rom 12:5-16ab ● Slm 131 ● Lc 14:15-24

Sinabi kay Jesus ng isa sa mga inanyayahan: “Mapalad ang makakasalo sa bangkete ng Kaharian ng Diyos!” Sumagot si Jesus: “May isang taong naghanda ng isang malaking bangkete at marami siyang kinumbida. Sa oras ng handaan, pinapunta niya ang kanyang katulong para sabihin sa mga imbitado: ‘Tayo na’t handa na ang lahat.’ Ngunit parang sabay¬sabay namang nagdahilan ang mga inimbita at hindi pumunta. Galit na galit ang maysambahayan at sinabi sa kanyang katulong: ‘Pumunta ka agad sa mga liwasan at mga lansangan at papasukin mo rito ang mga dukha, sapagkat sinasabi ko sa inyo: walang sinuman sa mga ginoong iyon na kinumbida ko ang makakatikim ng aking handa.’ ”


PAGSASADIWA

Mapalad ang makakasalo sa bangkete ng Kaharian ng Diyos.— Ang bayang Israel naman ang mga naunang inanyayahan, ngunit pawang tumanggi sa iba’t ibang dahilan.Tuloy ang bangkete, tuloy ang pagdiri-wang, tumanggi man ang mga inanyayahan dahil sigurado na ang panalo ni Kristo laban sa kasalanan at kamatayan. Kaya naman, binuksan ang paanyaya sa mga tao mula sa lansangan at looban na kumakatawan naman sa lahat ng tao, maging mahirap man at may kapansanan. Lahat maliban sa mga tumanggi ay may lugar sa hapag ng Panginoon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rom 12:5-16ab ● Slm 131 ● Lc 14:15-24


No comments:

Post a Comment