Tuesday, November 26, 2013

Reporma sa Simbahang Katolika nais ni Pope Francis

HUWAG matakot na sumubok at maglatag ng pagbabago.


Ito ang mensaheng nais itawid ng kauna-unahang “apostolic exhortation” ni Pope Francis sa Simbahang Katolika at mga mananampalataya nito.


Hindi man naging partikular sa mga repormang nais mangyari ang Santo Papa, malinaw naman ang mensahe nito sa kanyang 85-pahinang dokumentong tinatawag na “Evangelii Gaudium” sa Latin o The Joy of the Gospel.


Hamon ng Santo Papa, maging matapang sa pagpapatupad ng reporma.


May mga tradisyon at proseso aniya ang Simbahang Katolika na hindi na napapanahon at nababalewala na sa modernong konteksto.


Hindi na rin dapat malulong ang simbahan sa culture war issues at paggigiit ng panuntunan nito, sa halip magpokus sa pagpapahayag ng salita ng Diyos sa mga naaapi at mahihirap.


Pinahagingan din ni Pope Francis ang pagiging sentralisado ng Simbahan sa Vatican dahilan upang mahirapan ang mga lokal na matutukan ang kanilang mga nasasakupan.


The post Reporma sa Simbahang Katolika nais ni Pope Francis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Reporma sa Simbahang Katolika nais ni Pope Francis


No comments:

Post a Comment