Tuesday, November 26, 2013

Bata ng Aklan mayor, tigbak sa bakbakan

NATADTAD ng bala ang bodyguard ng isang mayor sa Aklan habang tinutugis naman ang kapatid nito nang makipagbarilan ang dalawa sa pulisya nitong Martes ng gabi, Nobyembre 26.


Dead on the spot sanhi ng tama ng M14 rifles at M16 rifles sa iba’t ibang parte ng katawan si Roderick Baco, 41, bodyguard ni Aklan town Mayor Quezon Labindao.


Hinahanting naman para panagutin sa krimen ang kapatid nitong si Rommel, 37, kasamang nakipagbarilan sa pulisya pero tumakas nang tumimbuwang ang kanyang kapatid.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-11 kagabi sa Barangay Buruanga, Aklan.


Bago ito, hinuli si Baco dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar pero nakapiglas habang isinakay ng mobile patrol.


Nakauwi ito sa kanilang bahay at nakakuha ng mahabang baril at saka hinarap kasama si Rommel ang mga pulis na humahabol sa kanya.


Matapos ang halos isang oras na bakbakan ay natagpuang nakabulagta sa kalsada ang suspek.


The post Bata ng Aklan mayor, tigbak sa bakbakan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bata ng Aklan mayor, tigbak sa bakbakan


No comments:

Post a Comment