Monday, November 25, 2013

PROGRAMA NG BUHAY

“So brief a time we have to stay, along this dear, familiar way, it seems to me we should be kind. To those whose lives touch yours and mine.” – Anonymous


Narito ang isang istorya tungkol kay Ma’am Miriam, boss ni Perla. Hinahangaan ni Perla ang kanyang Ma’am ‘pagkat napakabait nito. Isasama ni Ma’am Miriam sa Cebu City si Perla upang dumalo sila sa isang seminar sa management. Si Perla ay assistant ni Ma’am Miriam sa isang malaking kumpanya na non-profit ‘pagkat may suporta ito sa Belgium. Umagang-umaga ang kanilang alis kaya doon na sa bahay ni Ma’am Miriam pinatulog si Perla nang magkasabay na silang magtutungo sa airport. Pagkahapunan nila na kasama ang buong pamilya ay nagtungo na ang apat na bata sa kanilang sariling study table. Tumutulong ang mga anak ni Miriam sa paghahain kahit sila’y may tatlong katulong.


Kasama nilang naghahapunan ang apat na matatanda na hindi kapanipaniwala. Sila ang mga magulang nina Ma’am Miriam at Sir James. Masaya ang apat na matanda na nagkukuwentuhan sa isang sulok ng malaking sala. Tatlo ang mga katulong

ni Ma’am Miriam at tig-iisa sila ng kuwarto at tig-iisa ng telebisyong maliliit.


Sa bahay na iyon ay nakaramdam ng kasiyahan si Perla na hindi maipaliwanag. Nakasentro ang pamilya na iyan sa Diyos.


Noong gabing iyon ay dalawang katulong ang kausap ni Ma’am Miriam. Iyong isa ay si Bess, tagapamahala sa kusina.


At iyong isa, si Nene ay binigyan ng pera ni Ma’am Miriam para ibili ng merienda ng mga batang nag-aaral ng katekismo sa simbahan.


Nag-iwan din ng pera si Ma’am Miriam para pambili ng pagkain sa bahay-silungan na nasa likod ng kanilang bahay. Si Amy, 18, ay kinukupkop doon ni Atty. Miriam Delos Reyes. Naroon si Sir James na kausap ang kabataang ito.


Ito ang naisaloob ni Perla:

“Gagawin kong huwaran si Ma’am Miriam na planstado ang programa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PROGRAMA NG BUHAY


No comments:

Post a Comment