Monday, November 25, 2013

Bgy. Chairman-elect, patay sa aksidente

Pitong araw bago manumpa sa tungkulin, isang re-elected barangay chairman ang nasawi habang sugatan naman ang dalawa niyang tanod matapos sumalpok ang minamaneho niyang tricycle sa isang tumirik na jeep habang patungo siya sa kasal ng pamangkin sa Naguilian, Isabela, noong Huwebes.



Kinilala ng Isabela Police Provincial Office ang biktima na si Nestor Ramirez, 49, ng Barangay Quezon, Naguilian, na manunumpa sana sa Nobyembre 30 para sa ikatlo niyang termino bilang barangay chairman. Sugatan naman sina Ramel Baccay at Ferdinand Malana, kapwa tanod ng Bgy. Quezon.


Sumalpok ang minamanehong tricycle ni Ramirez sa isang pampasaherong jeep na tumirik sa gitna at madilim na bahagi ng Naguilian Bridge. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bgy. Chairman-elect, patay sa aksidente


No comments:

Post a Comment