Monday, November 11, 2013

Price freeze sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda

NAGPATUPAD ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lugar na malubhang sinalanta ng bagyong Yolanda.


Ani DTI Sec. Greg Domingo, kabuuang 15 truck loads ng basic goods ang dadalhin at ibebenta sa mas mababa at rasonableng presyo sa mga lugar na malubhang sinalanta ng bagyo.


Tiniyak din ng kalihim na sa kabila ng nangyayaring kalamidad sapat ang suplay ng pamahalaan.


Kabilang sa mga sakop ng price freeze ay sardinas, processed milk, kape, sabon, kandila, tinapay, bigas, asin, itlong, mantika, poultry meat, gatas, asukal at maraming iba pa.


Sinumang lalabag sa price freeze ay pagmumultahin ng P1 million at pagkakakulong ng 10 taon.


The post Price freeze sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Price freeze sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda


No comments:

Post a Comment