Monday, November 11, 2013

Ilang bahagi ng Iraq, lubog sa baha

DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng ulan, lubog na sa baha ang maraming lungsod sa Iraq.


Kabilang sa matinding binaha ang kabisera na Baghdad. mga lungsod ng Baladiyat at Sadir kaya nagdeklara ng emergency public holiday sa naturang lugar.


Aminado naman ang mga awtoridad na ang palpak at lumang drainage system ang isa sa dahilan ng pag-apaw ng tubig sa Iraq na bihira lamang bahain.


Ito na ang pinakamatinding baha at ulan na nararanasan ng nabanggit na bansa sa nakalipas na 20 taon.


Samantala, apat na American citizen ang patay sa pagbagsak ng maliit na eroplano sa Bahamas.


Gayunman, palaisipan pa para sa mga awtoridad kung ano ang sanhi ng plane crash.


The post Ilang bahagi ng Iraq, lubog sa baha appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang bahagi ng Iraq, lubog sa baha


No comments:

Post a Comment