Wednesday, November 13, 2013

Philippines delegate sa climate change conference, nag-hunger strike


Habang hinihingal Pilipinas sa mga pinsala ng “hell-storm” Yolanda (international name: Haiyan), isang opisyal ng bansa ang naglunsad ng hunger strike noong Lunes para igiit sa U.N. climate change conference ang mga konkretong hakbang para labanan ang global warming.



Sinabi ni Naderev Sano, kasapi ng Philippines Climate Change Commission, na hindi siya kakain “in solidarity with my countrymen who are now struggling for food back home” – kasama ang kanyang kapatid na lalaki, na aniya “has been gathering bodies of the dead with his own two hands.”


“What my country is going through as a result of this extreme climate event is madness. The climate crisis is madness,” wika niya. “Mr. President, we can stop this madness, right here in Warsaw.”


Pinangunahan ni Sano ang delegasyon ng Pilipinas sa 19th Conference of the Parties sa kabisera ng Poland. Binigyan siya ng standing ovation matapos magtalumpati, apat na araw makalipas manalasa ang super typhoon Yolanda sa Pilipinas sa taglay nitong hangin na 315 kph (195 mph). Halos 2000 katao na ang nasawi sa bagyo, ayon sa huling bilang.


“Despite the massive efforts that my country had exerted in preparing for the onslaught of this storm, it was just a force too powerful, and even as a nation familiar with storms, Haiyan was nothing we have ever experienced before,” sabi ni Sano. Ngunit ayaw kilalanin ng Pilipinas na “running away from storms, evacuating our families, suffering the devastation and misery, counting our dead, (will) become a way of life.”


Sinabi ni Sano na hindi siya kakain sa loob ng 12-day conference “until a meaningful outcome is in sight.” Nanawagan siya ng “concrete pledges” sa Green Climate Fund – isang U.N. fund na naglalayong tulungan ang mga umuunlad na bansang mabawasan ang kanilang climate change emissions at makaagapay sa mga epekto ng climate change – at sinabing magpapatuloy siya sa pag-aayuno “until we see real ambition on climate action in accordance with the principles of the convention.”


Inihayag ng Climate Action Network – isang samahan ng 850 nongovernmental organizations – na makikiisa ang mga kasapi ng “civil society” sa hunger strike ni Sano, sa hakbang na “unprecedented within the history of the climate movement.”


Sinabi ni Climate Action Network spokeswoman Ria Voorhaar na lumalawak ang protesta at may 100 delegado na sa Warsaw conference ang hindi na rin kumakain.


“A lot of climate-focused youth groups have jumped on it immediately to show solidarity,” aniya.


Sinabi ni Voorhaar na nais ng mga sumasali sa hunger strike na kumilos ang Warsaw para magkaroon ng malinaw na hakbang sa pagbabawas ng carbon emissions bago ang 2020, pagpapatibay sa international mechanism para sa mga pinsala at pagpopondo sa mga pagsisikap para makaagapay sa umiinit na mundo. – CNN


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Philippines delegate sa climate change conference, nag-hunger strike


No comments:

Post a Comment