Wednesday, November 13, 2013

5 katao sinagasaan ng bus sa EDSA, patay

PATAY ang lima katao nang sagasaan ng isang bus sa Magallanes bus stop sa EDSA kaninang umaga.


Hanggang ngayon ay nakalatag pa rin sa gilid ng kalsada ang mga bangkay ng mga biktima na sinasabing kinabibilangan ng apat na lalaki at isang babae, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan.


Agad namang isinugod sa pagamutan ang 33 iba pa na sugatan, kinabibilangan ng driver ng bus na sinasabing halos mabiyak na ang ulo.


Sa inisyal na imbestigasyon, ilang nakasaksi sa insidente ang nagasabing tila nawalan ng preno ang driver ng Elena Liner na galing sa Ayala tunnel nang araruhin ang mga nag-aabang ng sasakyan na mga biktima na papunta namang Alabang, bago bumangga sa isa pang bus na NGK trans.


Pinaghahanap pa ang konduktor ng bus.


Iniimbestigahan pa rin ang nasabing insidente.


The post 5 katao sinagasaan ng bus sa EDSA, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



5 katao sinagasaan ng bus sa EDSA, patay


No comments:

Post a Comment