Saturday, November 16, 2013

Philippine Navy, may libreng sakay pa-Maynila, Cebu

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Navy na isasakay nito nang libre ang mga biktima ng super bagyong ‘Yolanda’.


“Dadalhin namin sila sa Manila o sa Cebu [ayon] sa gusto nila,” pahayag ni Col. Edgard Arevalo sa panayam ng Balita sa isang pulong balitaan.



Pinabulaanan din ni Arevalo na hindi totoong nakasentro o nakatuon lang ang rescue at relief operations sa Tacloban, Leyte.


Aniya, nagkataon lang na sa Tacloban nakakadaong ang mga barko at nakakalapag ang mga eroplano.


Kasabay nito, ipinabatid ni Arevalo na ido-donate ng 22,000 kawani ng Navy ang kanilang P90 meal allowance sa mga sinalanta ng bagyo sa Visayas.


Aniya, magdadala muna ng relief goods ang Navy sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, at pagbalik sa Maynila ay libre na silang magsasakay ng mga pasahero. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Philippine Navy, may libreng sakay pa-Maynila, Cebu


No comments:

Post a Comment