Friday, November 1, 2013

Pastor itinumba sa loob ng bahay

SUMISIGAW ng hustisya ang pamilya ni Pastor Albert Masadlang sa Camacop Church sa Sitio Atbangan, Brgy. Tubeng, Tupi, South Cotabato matapos binaril at mapatay kagabi sa loob ng kanyang tahanan.


Inihayag ng asawa ng pastor na si Rose Masadlang na wala siyang maalala na may nakaaway ang kanyang asawa maliban lamang sa pagiging emcee nito sa nanalong kandidato noong barangay election.


Ayon sa ginang, naglalagay ng moskitero ang kanyang asawa nang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa tagiliran na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


Si Pastor Masadlang at kanyang misis ay may 15 taon nang nagsasama makaraang iwanan nito ang kanyang anak na edad 14 at buntis pa noon na misis.


The post Pastor itinumba sa loob ng bahay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pastor itinumba sa loob ng bahay


No comments:

Post a Comment