Saturday, November 16, 2013

Paslit, nasagasaan ng pampasaherong jeep, patay

Dahil sa pagbuntot sa kanyang ina na tumatawid sa kalsada, isang 5-anyos na batang lalaki ang namatay matapos masagasaan ng isang pampasaherong jeep sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.


Kinilala ni traffic investigator PO3 Ferdinand Paglinawan ang biktimang paslit na si Christian Chink, residente ng San Lorenzo St., Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.



Ideneklarang dead-on-the-spot si Christian matapos itong kaladkarin ng jeep ng ilang metro dakong 7:15 ng gabi noong Biyernes sa Quirino Highway sa Barangay San Bartolome, Novaliches.


Ayon sa imbestigasyon, patungo sana sa poblacion ng Novaliches ang ina ng biktima nang sumunod ito nang hindi napapansin ng una.


Laking gulat ng ina ni Christian nang biglang nagsigawan ang mga istambay kung saan ikinagulat na lang nito nang makita niya ang kanyang anak habang nasa ilalim ng sasakyan.


Nasa kustodiya ng pulisya ang jeepney driver na si Rolando Erispe Jr., 32, residente ng Barangay Baesa, Quezon City. – Jeffrey G. Damicog


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Paslit, nasagasaan ng pampasaherong jeep, patay


No comments:

Post a Comment