Sunday, November 10, 2013

Panibagong bagyo, binabantayan ng PAGASA

Isa na namang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong linggo.


Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang sama ng panahon ay inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes o Miyerkules.



Kapag naging bagyo, tatawagin itong ‘Zoraida.’


Gayunman, nilinaw ni Aurelio na hindi ito kasing-lakas ni ‘Yolanda’ na anim na beses nag-landfall sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Posible din aniyang maapektuhan nito ang ilang bahagi ng Mindanao.


Si Zoraida ay magiging pang-25 bagyo sa taong ito. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Panibagong bagyo, binabantayan ng PAGASA


No comments:

Post a Comment