Sunday, November 10, 2013

5 senador, tumanggi sa PDAF

Limang senador pa lang ang pormal na nagkumpirmang hindi na sila tatanggap ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa susunod na taon.


Kasabay nito, nanawagan si Senator Francis Escudero, chairman ng Senate Finance Committee, sa mga kapwa senador na agad isumite ang kani-kanilang posisyon sa PDAF upang maging mas magaan ang daloy ng budget hearing.



Bukod kay Escudero, pormal nang lumiham sa komite sina Senators Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Grace Poe-Llamanzares, Vicente Sotto III at Aquilino Pimentel III, para ipabatid na hindi na sila tatanggap ng PDAF sa 2014.


Si Sen. Loren Legarda, na una nang nagpahayag na ayaw na niya sa PDAF, ay wala pang pormal na kahilingan sa komite ni Escudero.


Sa taya naman ni Senate President Franklin Drilon, 17 sa 24 na senador, kabilang na siya, ay ayaw na sa PDAF.


Itinakda ni Drilon hanggang sa Nobyembre 11 ang pagsusumite ng mga senador ng sariling posisyon tungkol sa PDAF. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



5 senador, tumanggi sa PDAF


No comments:

Post a Comment