Friday, November 22, 2013

Pacquiao gigil na kay Rios

BUGBUGAN na!


Atat nang sapakin ni Pinoy pug Manny Pacquaio si Brandon “Bam Bam” Rios kaya naman paniguradong raratratan agad ang masisilayan pagtunog ng bell bukas sa kanilang welterweight match sa Cotai Arena sa The Venetian, Macau.


Naniniwala ang pambansang Kamao na tatalunin nito si Rios dahil sa kanyang angking bilis.


‘I’m focusing on quickness, speed and some different techniques I can apply for his style,’ sabi ni Pacquiao sa website.


Naglalaway ang 34-anyos Pacquiao sa pag-upak nito sa mas batang si Rios ay dahil na rin sa kaangasan ng huli.


Naiirita ang Pinoy champ sa mga sinasabi ng kabilang kampo na pababagsakin siya sa loob lang ng apat na rounds.


“Puro sila salita.” saad ni Pacquiao.


Nakahanda rin si Pacquiao sa anumang istilong gagawin ng kalaban lalo na kung ang plano ng kampo nila Rios na takbuhan lang ang Pinoy gaya ng ginawa ni American Timothy Bradley sa kanya.


“Handa ako kung sakaling puro takbo ang gagawin niya.” sambit pa ni Pacquiao.


Kulang sa timbang si Pacquiao sa weight limit na 147-lbs subalit pagsapit ng weigh-in ay sumakto na ito.


Samantala, para sa mga Pinoy na nasalanta ni super typhoon Yolanada ang pang 62nd fight niya kaya naman ayon sa kanya ay tutulong agad siya sa kanyang mga kababayan pagkatapos ng laban niya kay Rios.


“I’m doing my best to win this fight because I lost twice last year, but also with what happened to my countrymen in the Philippines.

To all the people and families affected by this storm – this fight is for you.” ani pa niya sa boxing website.


The post Pacquiao gigil na kay Rios appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacquiao gigil na kay Rios


No comments:

Post a Comment