Monday, November 18, 2013

P37M shabu, ecstasy, nasamsam sa mag-asawang Chinese

ARESTADO ang mag-asawang Chinese matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Timog Avenue, Quezon City, kaninang madaling-araw.


Ayon kay Atty. Jac de Guzman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa nila ang buy-bust operations matapos manmanan ng tatlong buwan sina Qiao Wen Jiang, alyas Alan at Xiao Xia Chai, alyas Angela.


Nakipagtransaksyon ang mag-asawa sa isang ahente na nagkunwaring bibili ng isang kilo ng shabu.


Pero nang mahuli, pitong kilo ng shabu ang narekober ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P35 milyon.


Nakasamsam din sila ng ecstasy na nagkakahalaga naman ng P2 milyon.


Inaalam na ng PDEA kung miyembro ang mag-asawa ng malakihang grupo na gumagawa at nagbebenta ng malakihang halaga ng shabu partikular sa Metro Manila.


Nakakulong na ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong umaga.


The post P37M shabu, ecstasy, nasamsam sa mag-asawang Chinese appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P37M shabu, ecstasy, nasamsam sa mag-asawang Chinese


No comments:

Post a Comment