Monday, November 18, 2013

8 patay, daang bahay nawasak sa buhawi sa US

HINDI bababa sa walo ang patay habang daan-daang bahay ang nasira sa pagtama ng buhawi sa mga estado sa US Midwest.


Hinagupit ng buhawing aabot sa 111 kilometro kada oras ang hangin ang mga estado ng Illinois, Missouri, Indiana, Michigan at Wisconsin.


Umaabot sa sukat ng isang tennis ball ang mga hailstone na sinamahan pa ng bumubugsong hangin dahilan upang matinding pinsala ang maitala sa mga istrukturang nadaanan nito.


Anim ang naiulat na patay sa Illinois habang aabot sa 500 bahay nasira ng bagyo.


Napaulat na aabot sa 200 ang sugatan sa estado kung saan 120 rito ay mula Washington, at pinakamatindi ang pagwasak ng buhawi.


May ilan pang pinaniniwalaang na-trap sa mga basement at nabaon sa mga debris.


Dalawa naman ang binawian ng buhay sa Michigan.


Maraming lugar ang wala pa ring suplay ng kuryente sa ngayon.


The post 8 patay, daang bahay nawasak sa buhawi sa US appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



8 patay, daang bahay nawasak sa buhawi sa US


No comments:

Post a Comment