Sunday, November 3, 2013

Negosyante, nagbaril sa sarili sa harap ng nobya

Dahil sa dami ng problema sa negosyo, nagpakamatay ang isang businessman sa pagbaril sa sarili sa loob ng kanyang kotse at sa harap ng kanyang nobya noong Sabado ng gabi sa Caloocan City.


Dead on the spot si Roderick Manuel, 35, ng No. 122 Monzerath Street, Morning Breeze, Barangay 85, dahil sa tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang sentido.



Ayon sa report, bandang 9:00 ng gabi nang mangyari ang pagpapakamatay ng biktima sa General Tinio Street sa panulukan ng Loreto Street sa Bagong Barrio.


Ayon sa pahayag ng nobya ng biktima na nakiusap sa media na huwag siyang pangalanan, sakay sila noon ni Manuel sa Ford Everest ng kasintahan.


Lagi umanong sinasabi ni Manuel na punumpuno na ito ng problema at pagpapakamatay na lang ang solusyon.


Habang nag-uusap ay biglang inihinto ng biktima ang sasakyan at kinuha ang baril sa beywang bago ipinutok sa kanang sentido. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Negosyante, nagbaril sa sarili sa harap ng nobya


No comments:

Post a Comment